OMG! TAPOS NA ANG SUMMER NGAYONG TAON. AT BALITA NGAYON NA ANG PARATING NA BAGYONG CHEDENG AY KASING LAKAS DAW NG MGA NAKARAANG BAGYONG SINA FRANK AT ONDOY NA LABIS NA NAKAPINSALA SA BUONG REHIYON NG PILIPINAS.
AYON SA GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION O MAS KILALA NA PAG-ASA, MALAWAK ANG DALANG KAULAPAN NG BAGYONG CHEDENG (NA MAY INTERNATIONAL NAME NA SONGDA) NA UMAABOT NA 600 KILOMETERS. AT KAGAYA NG ONDOY, MABAGAL ANG PAG GAPANG NITO PAPUNTANG PILIPINAS NA KUNG IISIPIN AY MAS NAKAKATAKOT.
SADYANG MALAKAS NA ANG ULAN SA LABAS HABANG SINUSULAT KO ITO..NAGAALALA NA AKO SA MGA ORAS NA ITO. NAALALA KO TULOY ANG NANGYARI SAKEN NUNG BAGYONG ONDOY NA HINAHALINTULAD SA BAGYONG CHEDENG NGAYON.
DI KO MAKAKALIMUTAN ANG NAKARAANG ONDOY. NUNG UNA AY WALA AKONG KAMALAY MALAY. ANG ALAM KO LANG NUNG ARAW NA YUN AY DI TUMITIGAL ANG ULAN. NGUNIT SADYANG MALALA NA PALA ANG MGA NAGAGANAP NOON SA IBAT-IBANG DAKO NG PILIPINAS. GALING AKO SA TRABAHO AT HINDI AKO MAKASAKAY PAUWI. NAIINIS AKO AT BUMALIK SA OFFICE (CALLCENTER.) NAGPALIPAS AKO DUN HANGGANG GABI AT NG LUMIPAS NA ANG ULAN, NAG DESISYON NA AKONG UMUWI.
LAKING GULAT KO NG ANG NASAKYAN KONG TAXI AY TUMIGIL (MEDYO MALAPIT NA SAMIN) AT SINABING HANGGANG DOON NALANG DAW SIYA. BUMABA AKO AT HABANG NAGLALAKAD AY NAPAISIP AKO KUNG BAKIT WALANG ILAW AT MARAMING TAO SA KALSADA NA ANIMOY MAY INAANTAY NA KUNG ANO. NAPAKARAMING TAO NOON SA SIMBAHAN NA PARANG NAGING EVACUATION CENTER . PINAG PATULOY KO ANG PAGLAKAD AT UNTI-UNTI NG LUMULUBOG ANG PAA KO SA TUBIG. NAKAKATAKOT ANG RAGASA NG TUBIG NA ANIMOY AKO’Y TATANGAYIN. HUMAWAK AKO SA MGA TAONG NAKIKIPAGLABAN AT PINIPILIT MAKAUWI SA KANYA KANYANG MGA BAHAY SA TAKOT NA AKOY MAHULOG SA ISANG BUTAS O ANURIN NA LANG BIGLA.
PAGDATING SA MAY TULAY MALAPIT SAMEN, NAPAG ALAMAN KONG LAGPAS TAO NA PALA DOON AT DI NA MAKAKALAKAD PA. NAG DESISYON AKONG MATULOG SA TULAY HABANG NAKAUPO AT NAGDADASAL NA SANAY LIGTAS ANG AKING ANAK AT PAMILYA SA BAHAY. NANG NAG-UMAGA NA AY NAKAKUHA AKO NG CHANCE PARA MAKAUWI. AT SA WAKAS AY NAKAUWI DIN AKO NG LIGTAS AT NAKASAMA ANG AKING PAMILYA.
KUNG IISIPIN AY SIMPLE LANG ANG AKING KWENTO AT HIGIT NA MADAMI ANG NAKA EXPERIENCE NG MAS MALALA DITO.
No comments:
Post a Comment