Mga pambibintang at kasinungalingan na naman hinggil sa pamumuno ni Chairperson Margie Juico ang namutawi sa mga matatabil na labi ng matandang si Manoling (ano pa nga ba?) Ayon sa kanya, labis na ang pagsisinungaling ni Juico para lamang manatili sa kanyang pwesto bilang chairperson ng PCSO. Animo’y desperadang nagsusumiksik kay President Aquino para madugtungan pa ang pagkakaupo sa trono.
Hindi naman siguro uupo ang isang presidente sa kanyang pwesto kung wala siyang sariling utak at kung idinidikta lamang sa kanya ang bawat hakbanging ginagawa. Nasa kanya ang desisiyon at kung napagpasyahan niya na i-extend ang pamumuno ni Juico sa PCSO, ay dahil alam niya na maganda ang pamamalakad ng chairperson at nagagawa nito ng husto ang mga layunin ng organisasyong ito.
“Napakagaling magimbento ni Juico,” ayon kay Manoling. Teka lang! Hindi ba’t sa lahat ng paglabas sa telebisyon, radyo at dyaryo nitong si Manoling ay siya itong ang hindi makapagpakita ng sapat ng ebidensya para suportahan ang mga pinagsasabi niya? Yaman din lamang na nagsumite siya ng kaso noong isang taon laban sa pagpapalipat ng mga empleyado ng PCSO sa iba’t-ibang lugar sa mataas na hukuman at ibinasura lamang ang kanyang petisyon. Bakit? Kasi wala siyang matibay na katunayan sa kanyang inirereklamo at higit sa lahat, ang PCSO board, kasama na ang chairperson, ay may mga kaukulang dokumentos hinggil sa legal na bagay na ito.
Dagdag pa sa mga sinabi niya, noong siya daw ang namumuno sa PCSO, lahat ng proyektong nakahain na lagpas P100,000 ay kailangan maaprubahan ng Presidente. Pero ayon sa mga legal na datos na nasiwalat sa pamumuno ni Manoling, napakalaking pera ang nasayang nila sa wala. Kasama na dito ang mga sumusunod: P2.7B para sa mga PCSO machines, P42B para sa mga thermal papers at nakipagkasundo pa sa isang Australian company sa loob ng 50 years. Sino ba ang nahainan ng plunder case? Hindi ba ikaw Manoling?
Hugas kamay – iyan ang paboritong gawain ng matandang si Manoling. Kapag nga naman lumalabas na ang mga baho ay gagawin lahat upang linisin ito sa pamamagitan ng pagtuligsa at pag hamak sa mga taong nanahimik. Magsinungaling at gumawa ng kwento hangga’t kaya ng utak niya. Wala ng pag asa ang mga taong ganito. Sa halip na magpakimbaba at harapin ang mga kasalanan ay nagmamalaki pa na animo’y inosente sa lahat ng bagay.
Sana’y maging matahimik na itong si Manoling at magpahinga na lamang siya sa kanyang bahay. Matanda ka na. Ang mali ay mali at ang tama ay tama. Lumalabas ang katotohanan kahit gaano mo pa ito pagtakpan.
No comments:
Post a Comment