Nung nakaraang sabado, June 17, 2011, nagpatawag si Manoling Morato ng isang press conference (nanaman?) sa A.Venue Suites, Makati City. Sa kasamaang palad marami-rami pa din ang mga naloloko at nahihikayat na makinig sa mga walang kabuluhang pinagsasabi ng matandang “EX chairperson ng PCSO.” EX na nga di ba? Eh bakit ganun, nangingialam pa?
Ayon kay Morato, wala daw nagawa ang media sa PCSO dahil kinokontrol diumano nito at tinatakot na hindi nila babayaran ang mga “advertisement” sa mga nasabing media entities. Ayon pa sakanya, wala daw freedom of press sa bansa na nagpapaalala sakanya ng Martial Law. Kung gayon, bakit may napanood akong interview sakanya nung nakaraang buwan sa kapatid network hinggil sa mga anumalaya diumano ng PCSO? Bakit kaya kaliwat kanan ang kanyang press conference? Hindi ba yun parte ng media? Kung pakikinggang mabuti ang conference na ito, para namang rehearsed ang mga questions na parang si Morato mismo ang nagsulat para sakanya mismo.
Meron pang nalalaman na “We stand by the truth” sheets itong si Morato. Aba’y pinamigay pa sa audience na animo’y pointers to review o di kaya’y hand outs para sa mga college students. Imbis na nagaksaya siya ng mga papel para rito, bakit hindi nalang papel ng mga ibidensya niya ang kanyang hawakan para naman magmukang makatotohanan ang mga pinagsasabi at ibinibintang niya laban sa PCSO at kay Ms. Margie Juico na kasalukuyang chairperson nito. Simula nagsimula ang isyung ito, madami ang nasabi upang siraan ang ang bagong PCSO sa pamumuno ni Juico. Ngunit hingid sa kaalaman ng nakararami, umalis si Morato sa pamumuno niya ng may utang na bilyong piso. Nakaraan sa Failon Ngayon na ipinalabas nung nakaraang June 11, isiwalat ang mga di umanoy pagaaksaya ng pera ng nakaraang administayons Morato sa mga PCSO machines, termal paper at iba pa. Ang nsabing palabas any may kauukulang katunuyan na hindi sinagot kaagad agad ni Morato na kung titignan mo’y may kapangyarihang magpatawag ng press conference kung kailan niya naiisin.
Sa totoo lang, kung ating iisipin, ano ba talaga ang makukuha ni Morato dito? Tanong nga ni Juico, “Ano ba talaga ang gusto mo Manoling?” Siya ba ulit ang magiging chairperson pag tapos ng mga banggaang ito? O gusto ba niyang tumakbo at maging pangulo sa 2013 elections?
Gumagawa ng apoy ang isang taong sabik sa usok. Pero ang usok pumupunta sa isang direksyon palayo sa taong gumawa nito. Isang bagay na gustong kumawala. Parang basang uling na ayaw lumiyab. Isang bagay na kapag hindi totoo, hindi rin aapoy. Parang ang mga paratang ni Morato, kagaya ng usok, na siya mismo ang gumagawa.
Parang si Morato, wala ng ginawa kundi manira ng iba. Tama na. Nakakairita na.
No comments:
Post a Comment