This is the extension of my mind; things I want to express & the way i live my every day.. This is what i call the WORD VOMIT!. .
Sunday, July 3, 2011
Ang Akin Lang: Sagot sa mga Paratang Kay Juico ni Jerry Yap
Para kay Jerry Yap ng “Bulabugin” sa Dyaryo Ng Bayan.
Ano naman itong artukulong ito? Halatang ni-rehearse o idinikta lamang sayo ang isinulat mo! Himayin natin ang mga maiinit na paratang ng “kolumnistang” palakang ito:
1. “Parang hindi naman daw kasama si PCSO chairperson Margie Juico sa sinasabi niyang “dating administrasyon ng PCSO.” -Jet
Ang sa akin lang:
OO. Hindi matawag na kasama si Margie Juico dahil obviously hindi siya kasama sa adminstrasyon noong namuno si Manoling Morato. Kung marunong ka lang mag reserach ay nalaman mo sana na ng natapos ni Morato ang kanyang pamumuno noong 1998 ay 4 na na tao pa ang humaligi sa PCSO… sa iyong kaalaman, sila’y sina Cecilia Munoz Palma- 1998, Rosario N. Lopez- 1999-2000, Sergio Valencia at Ma. Livia de Leon. Huwag mo kaming lituhin. Hindi bobo ang mga tao para gawin mong literal ang lahat ng lalabas sa bibig ng sinuman. Hindi siya kasama dahil unang una, malayo ang pagitan ng paglilingkod nila sa PCSO at kumpara kay Morato, matuwid at tama ang pagpapalakad ni Juico sa kanyang administrasyon.
2. “Isa lang nga ang hamon ni Chairman Manoling… name names kung sino ‘yang mga taga-MEDIA na nakinabang sa mga komisyon at iba pang raketan sa PCSO.
Ang akin lang:
Ang isang taong nag sasalita para sa katotohanan ay hindi basta basta nagbibitiw ng mga maseselang bagay lalo na sa harap ng publiko o media. Bakit kamo? Ang unang itatanong ng tao sa’yo ay “ Nasaan ang patunay mo? Meron ka bang ebidensya?” Humarap si Juico noon dahil sa walang katapusang pagsira sakanya ni Morato. Sino ba ang napakaraming bintang? Sino ba ang putak ng putak sa una palang? OO, lahat ng hinihinging katibayan ni Morato ay nasa kamay na ni Juico. Ang hindi pagbibigay ng panagalan ay hindi nangangahulugang nagiimbento ka lang. Mas mahalaga ang sapat ng datos, mas mahalaga nag ebidensya. Ang ibig mo bang sabihin ay mas magaling na Gawain ang pagbibigay ng pangalan ng wala man lang maharap na patunay na gaya ng ginagawa ng amo mong si Morato?
3. “Mag-iisang taon na nga naman na walang ginawa ang administrasyon ni P.Noy kundi ang hanapan ng butas ang nagdaang administrasyon, aba ‘e panahon na nga naman para KUMAYOD naman! TRABAHO na!”
Ang akin lang:
Ginawa mo nanamang inutil ang mga Pilipino. Hindi ka ba nanonood ng balita? Ha? Kung ito lamang ang inaatupag ni P.Noy ay wala sigurong pagbabagong maganda ang nangyari sa ating bansa. Eh di sana ay noong nag survey kung successful ba ang unang taon na pamumuno ni P.Noy ay puros nagsabi ng hindi. Pati ba naman ang presidente idadamay pa sa basura na ginawa ni Morato. Yan lang kasi ang alam niya. Ang maghugas kamay. Ang manisi ng iba sa mga duming ikinalat niya.
4. “Ilan beses na po natin pinadalhan ng imbitasyon si PCSO Chair Madam Margie Juico para sa National Press Club media forum para maliwanagan ang mga issue sa PSCO, pero kung anong tiyaga po namin sa pag-iimbita sa kanya ‘e siya rin naman husay niya sa paggawa ng kung ano-anong alibi at dahilan para hindi niya mapaunlakan ang aming imbitasyon.”
Ang akin lang:
Alam naman ng lahat na si Ms. Margie Juico ay may mataas na pinagaralan at she does practice what she preach. Gets mo ba? O kailangan ko pang i-elaborate?? Ang ibig ko lang sabihin ay hindi kagaya ni Morato na kaliwa’t kanan nagpapa-interbyu para lang kaawaan ng mga tao, si Juico, nagpapainterbyu para lamang ilabas ang katotohanan at hindi para pag pyestahan o mapagusapan. MArami pang mas importanteng bagay ang ginagawa niya gaya ng pagtulong sa mga mahihirap sat pag aayos ng gusot na mga iniwan ng makakapal na mukha sa PCSO. Nagtatrabaho siya. Ikaw may trabaho ka din, trabahong manira ng tao parang si Manoling.
5. “Eto na lang po Madam Chair Juico, text message po ito ng dating PCSO PR Head Mr. MANNY GARCIA sa akin, walang labis walang kulang po: … “Ako inalis ako ni Margie Juico from the roll of PCSO so as to control PR funds by her husband Popoy and Dante Ang and demand 2M per province from Loterya ng Bayan. Ok lang ako ‘Nay. Happy naman ako sa Papua New Guinea. Kaso hanapbuhay na ng mga Juico ang politika. Natanggal ‘yan sa Agrarian dahil sa Anomaly ng Garchitorena tapos tinanggal sa Phil. Sports Comm dahil sa corruption. Dapat malaman na ng buong mundo na humingi na ng advance sa Solar si Popoy at Kon. Joseph ng 22M for PCSO na may go signal ni ES Ochoa sa Wack Wack.”
Ang akin lang:
Una sa lahat, bakit ikaw sa lahat ng tao ang tinext ni Mr. Manny Garcia? Close kayo? Bakit hindi si Morato o ang Presidente mismo? Yaman din lamang na sinabi niya na Dapat ng malaman ng buong mundo na humingi na ng advance sa Solar si Popoy etcetera etcetera! Again, wag niyong I-text. Ebidensya nalang ang ilabas niyo baka sakaling may maniwala sa inyo.
6. “Sabi nga ni Chairman Manoling Morato, kung meron talaga silang ebidensiya sa mga pinagsasabi nilang paglulustay ng nakaraang administrasyon ‘e bakit hindi na lang nila kasuhan at sa korte sila mag-usap?!” “Bakit nga naman sa MEDIA siya nagtatatalak?! Bakit hindi niya kasuhan sa Ombudsman? O sa Department of Justice?
Ang akin lang:
Una sa lahat, lagi nman yan sinasabi ni Manoling eh. Na maglabas si Juico ng ebidensya. Uulitin ko, hawak na ni Juico ang mga ebidensya na magpapatunay sa lahat. Tignan nalang natin kung sino ang nagsasabi ng totoo. Bakit sa media nagtatatalak? Bakit kaya hindi mo yan itanong kay Morato? Total eh sya naman talaga ang reyna ng talakan. Gusto pa niya yata talunin si Kris Aquino eh. Pakisabi nalang kay Morato, na ka close at ka txt mo. Magantay lamang siya. O di kaya’y aminin niya nalang lahat ng mga kasalanang ginawa niya.
KUHA MO???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment