Friday, July 15, 2011

GMA: Korte Hindi Kongreso


Sa mga kasong hinaharap nagyon ni ex-President at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa ibat-ibang katiwalian, handa di umano siyang humarap sa korte at hindi sa Kongreso upang sagutin ang electoral fraud and graft cases na ipinupukol sa kanya.

Ang kanyang abogadong si Alwyer Raul Lambino ang nagsabing mas gusto di-umano ng dating pangulo na magkaroon ng pormal at maayos na forum upang sagutin niya ang lahat ng mga alegasyon tungkol sa kanya. Ayaw din daw ni GMA na humarap sa media tungkol sa mga kasong ito.

Isa sa mga isyung kinahaharap ngayon ni GMA ay ang katiwaliang nangyari sa PCSO sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ayon kay Lambino, wala daw kinalaman ang dating pangulo sa di-umano’y ilegal at maling paggamit ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s intelligence fund.

Dagdag pa dito, nakahanda rin siyang sumailalim sa lifestyle check at handa raw siyang isagawa ito kahit anong oras.

“Pulitika na naman po ito. Maliwanag na ginagawa nila para pagtakpan serbisyo nila sa bayan,” ani Lambino.

No comments:

Post a Comment