This is the extension of my mind; things I want to express & the way i live my every day.. This is what i call the WORD VOMIT!. .
Tuesday, July 12, 2011
PCSO Scandals: Usok sa Isang Napakalaking Sunog
Ayon sa isang mataas na opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes office (PCSO), and mga kinakaharap nilang mga scandal ngayon ay “just tip of iceberg.” Kumbaga, usok sa isang malaking sunog.
Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Sa dami ba namang iniwang kabulastugan ng dating adminstrasyong Arroyo sa PCSO, mahaba pa ang kanilang lalakbayin upang maayos ang mga isyung ito.
“There are still a lot of revelations which are expected in the next months.” Sa kabilang banda, si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas ay nagsabing ang PCSO scandal ay maiuugnay pa sa ibang gusot gaya ng alleged electoral fraud na ginawa ng dating administrasyon. Ayon kay Llamas, ang mga senatorial candidates na nakuha ang malaking kabuuan ng mga boto sa Maguindanao sa nakaraang May 2010 census ay nakinabang sa P150-million intelligence fund ng PCSO.
Kabilang na sa mga kontrobersyang ito ay ang di-umano’y pagkakasangkot ng simbahan sa pagtanggap ng ilang mga arsobispo ng mga mamahaling SUVs galing sa PCSO, mga malalaking halaga ng donasyon, at sa kabuuang P315-million scam na winaldas ng dating administrasyon.
Dahil dito ay handang ituwid at ayusin ng bagong administrasyong Aquino ang mga naiwang gusot na ito. Hindi daw nila papaburan ang mga mapapatunayang nagkasala lalo na ang nasabing pagkakaugnay ng simbahan dito.
Kalabisan talaga ang mga isyu na iniwan ng dating mga namumuno sa PCSO. Kundi rin siguro sa pilit na paghuhugas-kamay nila ay hindi rin makakalkal ang mga bahong iniwan nila. Isang halimbawa na dito si dating chairperson Manoling Morato.
Kamakailan, matatandaang kaliwa’t kanan ang mga pagpapa-interview at paglalabas “di umano” nila ng katotohanan. Ngayon ang katotohanan ay lumalabas na talaga. Kahit anong kasinunagalingan ang sabihin nila ay lalabas at lalabas pa din kung ano ang totoo at sino ang tama. Ngayon, siguradong nangiginig na sa takot ang mga totoong may sala at malamang ay kanya-kanyang isip na sila kung ano pa ang pwede nilang gawin para iligtas ang kanilang sarili.
Sana lang ay talagang maparusahan ang mga nagnakaw ng kaban ng bayan. Sana ay hindi na rin pamarisan ito ng mga bagong namumuno sa PCSO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment