Tuesday, July 12, 2011

Morato: Hearing was Politically Motivated


Sa mga nakaraang anomalya ng dating administrasyong Arroyo sa PCSO, on process ngayon ang hearing sa Senado hinggil sa kaliwa’t kanang mga kaso na idinidikit sa mga dating namuno sa ahensyang ito. Kasama na dito ang P315-Milyon na pinakawalan at winaldas di-umano ng dating admistrasyon, ang pagbigigay ng labis labis na donation sa simbahan upang maging “areglo o regalo” at ang kontrobersyal na mamahaling utility vehicles at Pajeros na iniregalo sa ilang mimyembro o ilang mga arsobispo sa CBCP.

Sa hearing na naganap noong nakaraang Huwebes, sinabi ni Former Philippine Charity Sweeptakes Office chairman and director Manoling Morato na disappointed siya at halatang biased daw and in favored sila sa dating PCSO board members ang nangyaring senate hearing.

“It is obvious that the hearing was politically motivated.” ani Morato.

Dagdag pa niya, “Since they are in power now, they obviously want to pin down Arroyo.” – which is meron naman talagang mga sapat na ebidensya kaya nga sinisimulan na and imbestigasyon.

Sa kabilang banda, sinabi ni former PCSO Vice Chairman and General Manager Rosario Uriate na ang current PCSO board members daw and nag submit ng 2009 financial report sa COA. Kaya ang mga binibintang sa kanila ay pawang mga kasinungalingan at wala silang mabigat na ebidensya. Ngunit intinanggi naman ito current PCSO director Atty. Aleta Tolentino.

Simula’t sapul ay naging mistulang “superman” ng administrasyong Arroyo itong si Morato. Dahil kung iisipin ay siya naman talaga ang nagsimulang magtatalak sa media at walang tigil sa pagpapa-interview noon hinggil sa mga katiwalian sa loob ng PCSO. Ngayong sumiklab na ang usok ay mistulang pilit silang nag huhugas kamay.

Pilit na ipinagtatanggol ang isat-isa samantalang sila naman talaga ay may mga kinalaman sa mga bahong ito. Pilit nilang pinababango ang kanilang mga sarili at matatandaang hinamon pa nitong si Morato sila Margie Juico na ilabas ang kanilang mga ebidensya.

Upang ipagtanggol ang nasabing pagiging “unfair” diumano sa imbistigasyon na isinasagawa ngayon ng Blue Ribbon Committee, sinabi ni Chair Senator Teofisto ‘TG’ Guingona, “Such impressions have no basis in facts. Nagsagawa tayo ng dalawang hearings at pinakinggan natin ang panig ng bawat isa. Una, ang panig ng kasalukuyang board at pangalawa ang panig ng nakaraang board ng PCSO. That should be enough assurance that the process is fair to all.”

O, ayan Morato. Siguro naman ay malinaw ang sinabi nilang ito na hindi sila biased at pinakikinggan nila ang different sides ng kwento. It should be enough na rin upang manahimik ka.

No comments:

Post a Comment