Sunday, July 10, 2011

Tropical depression Goring: Aarangkada!


Wala na ba talagang tigil ang ulan? This past few months, wala nang pahinga ang mga bagyong pumapasok sa Pinas. Minsan nalang kung makita ang ating haring araw. Malamig, masarap mag-stay sa bahay. Ngunit paano ang mga nilabhan na hirap matuyo? Ang walang katapusang traffic at ang pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa kamaynilaan.

Ayon sa PAGASA, ang tropical depression at kung sakaling mtuloy na bagyo ay tatawaging “Goring”. Ito’y mananatiling umaarangkada ngayong weekend hanngang sa mga susunod na araw. Meron itong bilis na 55 kilometers per hour. Sa ngayon, wala pa silang idinidekralang public storm signal kaya tuloy ang klase bukas sa mga paaralan sa Maynila.

Ayos lang naman ang ulan…sana nga lang ay hindi na bumaha at walang masaktan dulot ng mga sakuna. Sana ay walang masyadong mga pamilya ang maapektuhan dito.
So, siguradong traffic nanaman kasabay ng pag-ulan. Sa mga papasok sa school at sa mga trabaho, siguraduhing bumangon ng maaga bukas at bilisan ang kilos kung ayaw mahuli.

At higit sa lahat ay siguraduhing magdala ng payong at mag ingat.

No comments:

Post a Comment