Tuesday, July 12, 2011

PNoy: Ibang Religious Groups, Nakinabang Din sa PCSO


Kahapon sa interbyu ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ay sinabi niyang may isa na namang religious group na posibleng tumanggap din di-umano ng ilegal na donasyon galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng dating administrasyong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Aquino, sinisimulan na nilang silipin ang grupong ito na kagaya ng ilang Obispo na nakatanggap ng malalaking biyaya galing sa nasabing ahensya. Duda sila sa ginamit na pondo para sa ipinatayong complex ngunit hindi naman kinilala ang punong ehekutibo.

Dahil sa kontrobersyang pagtanggap ng ilang mga Obispo ng mga sports vehicles at Pajero galing sa PCSO, desidido sila Aquino na hukayin at alamin pa ang mga taong nasa likod nito.

Kailan lang ay naglabas ng public apology ang CBCP sa publiko hinggil sa isyung ipinupukol sa kanila. Ngunit sa kabila nito, kailangan pa din daw ituloy ang imbestigasyon hinggil dito.

“Yung issue of separation of Church and state also impinges on another religious, Churches, papaano ba ito? Government funds were used in the construction of this complex that belongs to another religious order which we are also studying and trying to determine whether or not there were violations. Not the Catholic Church. That’s what I want to emphasize,” ani Aquino.

Sa kabilang banda, dapat naman talagang ayusin ang gusot na ito at alamin kung sino sino ang mga nagkasala sa gobyerno. Dapat lamang maging patas ang pangulo hinggil sa mga katiwaliang napupukol sa ahensyang gaya ng PCSO.

No comments:

Post a Comment