Tuesday, July 12, 2011

CBCP, Isasailalim sa Lifestyle Check



Hinggil sa napababalitang pagtanggap ng mga obispo ng mga luxury cars at sports utility vehicles (SUVs) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), pinag-uusapan ngayon ang pagsasagawa ng life style check sa mga obispo upang malaman kung inaabuso nila ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng pagtanggap o paghingi ng mga regalo at pera sa gobyerno o sinumang namumuno dito.

Di-umano’y nakatanggap ang ilang mga pari ng mga sasakyan galing sa PCSO sa ilalim ng pamumuno ni Ex-President Gloria Macapagal-Arroyo. Masusing imbestigasyon na ang ginagawa dito at kaliwa’t-kanang mga kaso na ang nakahain para sa dating administrasyon ng ahensyang ito.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes IV, tangin­g mga Katoliko lamang ang maaaring humiling sa pamunuan ng Simbahang Katoliko kung dapat bang i-lifestyle check ang mga obispo.

“Pwede siguro ‘yun kung mismong ang mga miyembro ng Simbahang Katoliko ang hihiling,” dagdag pa ni Trillanes.

Ngunit sadyang mahirap gawin ang bagay na ito subalit hindi pwedeng pakialaman ng ating gobyerno ang simbahan dahil sa umiiral na “Separation of Church and the State.”

Ang ibig bang sabihin ba’y posibleng maulit na naman ang nangyaring ito? Hindi nga naman tama na usisain pa lahat ng pari ng ating Simbahang Katoliko dahil kagaya ng iba, meron din silang pribadong buhay. Ngunit sana ay ang simbahan na mismo ang mag-ayos at tumuklas ng mga bagay na kagaya nito sa sarili nilang bakuran upang hindi na mangyari ang kahihiyang kagaya nito na umabot pa sa korte.

No comments:

Post a Comment