Sa panayam kay Ms. Margie Juico, kasalukuyang Philippine Charity Sweepstakes Office Chair, tungkol sa kontrobersyang hinaharap ngayon ng simbahan hinggil sa “Pajero Controversy,” sinabi niyang tuloy pa din ang paglilingkod ng PCSO kasama ang simbahan sa mga pagkakawang gawa at pagtulong sa mga mahihirap na Pinoy.
“The PCSO values its partnership with the Church. The charity institution shares the concerns of the Church in extending medical and health services to the poor and in helping make their lives a little better,” ani Juico.
Natuwa si Juico sa pagpapakumbaba ng CBCP nakaraang humingi sila ng apology sila sa Catholic Community at sa publiko hinggil sa paghingi at pag tanggap di-umano ng mga ito ng ilegal na donasyon galing sa naturang ahensya.
Kinakailangan ng courage, humility and grace from CBCP hierarchy para aminin at mag-apologize ng kagaya ng kanilang ginawa.
Sinabi rin ni Juico kasama ng PCSO board members na, “time has come for the healing of wounds, for reconciliation and for moving forward.”
Sadyang napakabait at mapag-unawa talaga itong si Juico. Karapat-dapat lang na siya ang mamuno sa PCSO ngayon hindi katulad nila Gloria Arroyo at Manoling Morato na walang ginawa kundi mag nakaw ng kaban ng bayan.
No comments:
Post a Comment