Sunday, June 12, 2011

Ang Araw ng kalayaan at Diborsiyo

Araw ng kalayaan, June 12… Ang araw ng kalayaaan ng Pilipinas. Mahahalintulad ko sa Naisulat ko tungkol sa Reproductive Health Bill. Ang RH Bill ay kasalukuyang isinusulong ngayon sa Pilipinas at syempre madami ang tutol dito lalo na ang simbahan.

Naisuilat ko na ito noon at sa totoo lang ay hindi ako pabor at hindi rin ako tutol sa RH Bill. Pero ano ba talaga ang kabutihang maidudulot nito lalo na sa mga kababaihan ng ating bansa?

Marami sa mga kasal o mga pilipinong nasa isang relasyon ngayon ay hindi masaya. Karamihan ay biktima ng pangaabuso ng kanilang mga asawa, O di naman hindi na talaga magksaundo sa mga ibat-ibang bagay kagaya ng interes, sex at kung ano ano pa.
Karamihan ay nadadamay ang kanilang mga anak, mga batang lumalaking naririnig na nagsisigawan ang mga magulang, o kaya’y nagsasakitan ang mga ito.

Sabi ng mga pari, ang divorce ay para naring isang bagay sa pagiging imoral. Hindi kaya’y masyado na itong panghuhusga? Ang isinusulong na RH Bill n gating gobyerno ay may mga itinakdang batayan. Kagaya ng; ang mga pares na nag file ng divorce na hiwalay na ng higit sa limang taon o yung mga legal ng hiwalay ng dalawang taon  ang pwede lamang payagan. Kabilang na sa mga batayang ito ay ang psychological incapacity, pagkakaiba at ang hindi pagtupad sa alituntunin ng pagiging asawa.

Kaya ko itinutugma ang pakikipaghiwalay sa araw ng kalayaan ay dahil kapag naaprubahan ang divoce, nagiging malaya ang isang tao, babae man o lalaki. Nagiging ganap silang masaya ng walang sigawan, sakitan o ano pa man. Ang higit nga lang na naaapektuhan ay ang mga anak nila. Sa tingin ko lang ay hindi pagiging imoral ang pagnanais na maging Malaya kung hindi kana masaya.




No comments:

Post a Comment