Tuesday, June 21, 2011

Cyber-related Crimes, Laganap!

Kaliwa’t kanan ang mga napapanood kong balita tungkol sa facebook related crimes. May direktor, call center agent etc. Ayon sa mga balita, ang mga kaganapang ito ay nagsimula sa pakikipag kaibigan di umano ng mga biktima sa sikat na social networking site na facebook. Pagtapos makipagkita.. ayun, sinaksak at ninakawan pa.. tsk tsk tsk!

Kaawa awa ang sinapit ng mga biktimang sina Direk Ricky Rivero na nasaksak diumano ng 10 beses sa kanyang apartment sa Quezon city at call center agent na si Maria Luisa Dominguez-Laquindanum, na nasaksak din ng 24 beses sa kanyang apartment.

Hindi ko na isasama ang mga facts tungkol sa mga insidenteng ito pero nais ko sanang magbahagi ng mga ilang paalala upang maiwasan mangyari ulit ang mga krimen sa pag gamit ng facebook.
  1. Pwede tayo magpasama sa isang kaibigan o kamag-anak bilang isang “chaperone” sa araw ng plinanong pagkikita.

  1. Basahing mabuti ang profile ng taong nag add sa’yo sa facebook.


  1. Tignan kung may mga “common friends” kayo at subukang tanungin ang mga kaibigan niyo kung kilala ba talaga nila ito.

  1. Hangga’t maaari ay iwasan ang mag accept o mag add ng taong hindi talaga kilala.


  1. Gawing private ang inyong sariling account. Pwede namang i-expose lang ito sa mga kaibigan sa facebook.

  1. Pwedeng pagusapan ang tungkol sa mga personal na bagay kagaya ng school, location etc., kesa sa mga hobbies o mga interest. Subukang i-kumpara ang mga bagay na ito kung tugma sa nakalagay sa facebook page niya. Hindi makakapag imbento kaagad agad ang isang tao ng facts about him/herself.


Sana maiwasan na talaga ang mga krimeng ito. Hindi lamang naman sa facebook nangyayari ang mga krimen kundi ito’y nasa paligid lang. Dagdag na pagiingat ang dapat natin lahat gawin at higit sa lahat, huwag agad magtitiwala sa mga hindi kilala. Sabi nga ng matatanda sa mga bata, “Don’t talk to strangers.

No comments:

Post a Comment