Monday, July 4, 2011

Angel at Phil, Sweet na Sweet!




Napapabalitang ang celebrities na sina Angel Locsin at Phil Younghusband ay lumalabas at mukhang seryoso na sa kanilang ‘ugnayan’. Patuloy ang pagpu-pursue ng binata kay Angel Locsin sa kabila ng busy nilang mga schedule. Pati ang kapatid nitong si James Younghusband ay mismong nagpatunay sa pagkakagusto ni Phil sa dalaga. “He’s obsessed with Angel!” ani James.


Sweet na sweet at kitang-kita sa camera ang pagsuporta ni Angel Locsin sa napapabalitang boyfriend na si Phil Younghusband. Kamakailan lamang, nanood ang dalaga sa laban ng Azkals sa Rizal Stadium noong Sabado at halatang halata din ang pagpapakitang gilas nitong si Phil dahil sa pagsuporta ng babaeng aminado siyang gusting-gusto rin niya.


Matapos nga ang matagumpay na laban ng Team Azkals laban sa Team Sri Lanka ay idinaos nila ang victory party sa Robot Bar, Makati, kasama ang mga fans at kani-kanilang pamilya.

Speaking of loved ones, present din si Angel Locsin sa naturang event. Ang tanong ng marami ay kung sila na kaya. Hindi pa man umaamin ang dalawa ay obvious na obvious na ang ka-sweetan nila sa isat-isa.

Habang nag paparty ang mga members ng Team Azkals ay masaya at nakangiting magkasama sina Phil at Angel. Panay pa ang punas ng dalaga sa mukha ni Phil. Namataan pa ng camera ang pagkiss ni Phil kay Angel. Grabe! Siguradong matutuwa ang mga fans ng dalawang celebrities na ito. Magbabakasyon pa di umano ang dalawa sa ibang bansa.


Ano na kaya ang susunod? Amimin na kaya ang dalawa sa kanilang relasyon? Aabangan natin yan.

Para naman sa mga fans ng team Azkals ay lalaban naman sila Kuwait sa mga susunod na araw. Sana ay magbigay ulit sila ng isa pang karangalan para sa bansa.
Go Angel Locsin ang Phil Younghusband!

No comments:

Post a Comment