Sunday, July 3, 2011

BABAE SA INDIA, INAAYAWAN!


May nabasa akong article tungkol sa sex change. Pero iba ito, biruin mong mga munting baby ay sumasailalim sa pagbabago ng kasarian sa murang edad palang. Ito ang nangyayari ngayon sa bansang India sa kadahilanang mas mapapabuti ang lagay ng income ng mga indianong pamilya kapag mayroon silang anak na lalaki.

Nakakagulat at nakakaawa ang mga batang sa murang edad palang ay dumadaan na sa maselan na operasyon na ito. Ang mga babaeng nagdadalang tao ay sumasailalim rin sa “sex selection abortion” na unang una sa lahat ay hindi dapat pinapayagan ng kanilang gobyerno. Ang mga pamilyang ito diumano’y nangangamba sa mataas na halaga ng pagpapakasal o pagbibigay ng “dowry” o dote na kailangan nilang ialay.

Ang operasyon na ito ay tinatawag na genitoplasty, naglalagay ng penis at nag iinject ng male hormones para maging ganap na lalaki ang mga batang babae. Biruin mong handang magbayad ang mga magulang nila ng 2,000 pounds o $3,150 kada operasyon.

Ayon kay Dr. V P Goswami, presidente ng Indian Academy of Paediatrics sa Indore, ang gawaing ito ay isang nakakagulat at nakaka alarmang balita at ipinaalala sa mga magulang na ang operasyong ito ay diumano’y mag reresulta ng “impotency” at pagiging “infertile” sa kanilang karampatang gulang.

Dapat rin daw isaalang-alang ng kanilang mga magulang and social at psychological na epekto nito sa mga bata pag tanda nila.Para sa akin, dapat lang igalang ng mga ama sa bawat pamilyang indiano kung ano ang lalabas na anak nila. Kung babae man ito ay dapat nilang palakihin at mahalin ng walang pag-aasam ng kapalit na sila’y yumaman dahil sa mga anak.

Dapat nilang tanggapin ng buong puso kung ano man ang ibigay ng Diyos sa kanila.



No comments:

Post a Comment