Tuesday, July 19, 2011

Dial M ni Manoling: Nauwi sa Bulsa ng Buwaya



Ang tanong, ano ba itong “Dial M” na isang TV show daw ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office chair na si Manoling Morato? May umere bang palabas na tulad nito?

Nakakatawa at may halong pagkadismaya na naman, dahil napakalaking kaban ng bayan ang naaksaya sa isang napaka walang kwentang bagay na kagaya nito. Di umano’y P7.2-milyon ang pinondo at ginastos ng PCSO sa show na ito ni Manoling. Tama… nakakabigla talaga.

Sa ginagawang imbistagasyon ng Blue Ribbon Committee ay kinuwestyon ni Senate President Jinggoy Estrada ang pagwaldas di-umano ng PCSO sa programang Dial M na nagkaroon lamang ng rating na .3 bilang pinakamataas at .0 naman habang pinakamababa.

“Kaya nga kayo nagpo-promote, kaya nga kayo gumagawa ng show katulad ng Dial M just to promote your products like the sweepstakes, like the lotto. Base naman sa pinalalabas n’yo sa Channel 4, konti lang nanonood minsan nga walang nanonood. Sa akin mukhang hindi naman nakakatulong,” giit ni Estrada.

Kung tutuusin nga naman ay talagang isa itong malaking pasabog sa kasaysayan ng PCSO. Hindi biro ang binitiwang pera ng ahensyang ito para lamang sa isang palabas na kahit kelan ay hindi naman talaga nakatulong sa pag-advertise ng PCSO.

Bukod pa dito, ang Dial M na pinagbidahan ni Morato ay pinagsamahan nila ni Maggie dela Riva bilang co-host ng nasabing palabas. Di-umano’y gumastos sila ng P4.3 milyon ng 2006, P6.3 milyon ng 2007, P5.7 milyon ng 2008, P5.6 milyon ng 2009 at P4.1 milyon ng 2010. Suma-total, ang kabuuang pera na inilabas ng ahensya para sa Dial M ay tumataginting na P26 milyon ang naaksaya.

Sa halagang ito, napakadami na sanang mahihirap ang natulungan. Madami na sanang may sakit na mga kababayan natin ang napagamot at higit sa lahat, madami sanang buhay ang nabigyan ng pag-asa. Sa laki ng halaga nito, kataka-taka naman talaga na naubos ito para sa isang palabas na ni hindi ko man lang nabalitaan na suma-hihimpapawid sa telebisyon.

Para na rin palang gumawa ng isang pelikula sa budget na ito. Buti sa pelikula may mapapala at matutunan ka pa.

Dial M? Nauwi lang sa bulsa ng buwaya.

No comments:

Post a Comment