Tuesday, July 12, 2011

Malalaswang Billboards, Tinututulan


sang komite ang binuo ngayon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang i-monitor at magbigay ng mga regulasyon sa paglalagay ng mga sexy billboards sa Kamaynilaan.

Matatandaang nag-pose ang Philippine Rugby Team Volcanoes para sa new line of underwear ng Bench Bodies at may malaki silang billboard sa Guadalupe EDSA kung saan naglipana din ang ibat-ibang advertisements. Ang lugar na ito ay dinadaanan ng hindi lang mga matatanda kundi mga bata din kaya dapat ay sinusuring mabuti ang mga imaheng nilalagay doon.

Ayon naman sa ibang celebrities, wala silang nakikitang malaswa sa billboard ng Rugby team.

“Its sexy but it’s classy,” ang sabi ng young actress na si Megan Young.

“Kaya nga tayo may gobyerno para sundin natin ang mga patakaran nila,” sabi naman ng aktor na si Paolo Paraiso.

Ang billboards ay nariyan upang ipakita sa mga tao ang mga iba’t-ibang produkto. Oo nga’t hindi malaswa ang billboard na ito ng Rugby team. Sa katunayan, nakikilala rin ang bagong sport na ito ng mga Pinoy. Ngunit hindi rin naman siguro masama kung bibigyan natin ng pamantayan ang bagay na ito at isaalang-alang ang mga ibang makakakita nito kagaya ng ating mga kabataan.

Ang Pilipinas ngayon ay unti-unti ng kumakawala sa konserbatibo nitong panininwala. Ngunit siguro naman ay maipapakita din natin ng mahusay ang ating mga produkto at mga sikat na personalidad na wala gaanong pinapakitang katawan o kung ano pa man. Kilala na rin ang Rugby team ngayon kagaya ng Team Azkals ngunit sana ay hindi lang sila makilala dahil sa kanilang taglay na kakisigan ng katawan ngunit dahil sa kanilang totoong husay sa kanilang sports.

No comments:

Post a Comment