Monday, July 4, 2011

Morato: Walang masama sa pag-donate sa simbahan



Nagkaroon ng live interview si ex-PCSO chairman Manoling Morato kaninang umaga sa GMA News Online hinggil sa kinakaharap ngayong anomalya sa PCSO ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ay tungkol sa mga sasakyang ibinigay diumano ni Arroyo sa mga arsobispo bilang donation sa kanilang nasasakupang sibahan.

Ani Morato, “Walang masama sa pag-donate sa simbahan.” Yan ang pinanggigigilang sabihin sa live interview na ito ni Morato. “There’s nothing wrong in giving, its charity and when it comes to charity, wala dapat pulitika.” Dagdag pa niya.
Nang tinanong siya ni Howie Severino kung ito ba ay form of patronage, sinabi niyang ang issue na ito ay charity at dapat hindi kinikwestyon, at sila lang ang naglalagay ng masamang kulay dahil gusto nilang manatili sa puwesto.D apat daw ay umalis na sa pwesto si Ms. Margie Juico dahil tapos na ang kanyang panunungkulan sa PCSO.

Sa mga nababalitang anomalyang ito sa mga nakalipas na araw ay hinamon ni Morato sila Juico na maglabas ng mga ebidensya patungkol sa mga ibinibintang nila diumano kay Arroyo. Pero ngayong nagkakalabasan na ng ebidesya ay panay ang labas at pagtatanggol nila Morato sa mga kaalyado nito na taliwas naman sa mga ipinahahayag niya sa publiko na sila Juico ay walang ginawa kundi siraan sila sa media at kung ano pa.

“Nang sha-shock sila ng tao,” dagdag pa ni Morato.
Magaling talagang mangtakip ng tao itong si Manoling. Biruin mong hindi daw Pajero ang mga sasakyang binigay sa mga arsobispo ngunit meron namang sapat na patunay ang kampo nila Juico para dito.

Hindi normal ang pagbibigay ng kotse bilang charity work. Pwedeng ipahiram para magamit sa pagbibigay ng tulong sa mga iba’t-ibang bayan ngunit, pagbigay? Lalo na’t pera ito ng mga taong nag babayad ng buwis ay kalabisan na.
At gaano ba kalaki ang puso mo Morato para sabihin mong walang puso si Juico para sa mahihirap? Hindi siya ilalagay ni P-Noy sa kanyang pwesto kung hindi mahalaga para sakanya ito.

Stop questioning the president. Have some decency and respect kahit hindi nalang para sa kanila kundi para sa sarili mo. Tapos na ang iyong paghahari-harian. Tama na ang iyong pambabaligtad.

No comments:

Post a Comment