Sunday, July 3, 2011

Bicol Express, Nag-iinit Na!


My mom is from the province of Bicol, particularly in Iriga City. Isang beses pa lang ako nakapunta doon. One time, niyaya ako ng mama ko na sumama sa kanya pauwi sa probinsya nila, “Ayoko nga!” ang sabi ko. Tinanong niya ako kung kung bakit. Ang sabi ko naman, “ Malayo at nakakapagod ang biyahe.” “Sabagay,” sabat ng mama ko. In short, hindi kami natuloy.

Kagabi, nabalitaan ko na yung nakikwento sa ‘kin ni Mama na may train pauwi sa kanila ay totoo pala. Obviously, nakakita na ako ng tren. Pero ni kailan man, hindi pa ako nakaranas na sumakay sa aktuwal na tren.

Bicol Express – not the food, pero yan ang pangalan ng tren na bumabiyahe mula Divisoria hanggang Naga. Sampung oras daw ang biyahe. Pero wait, sa bago at newly improved na train na ito, may tourist section P548, family-style cabins for P950 at ang prestihiyosong executive cabin for P1,000 lang. Hanep, di ba? May ganun na sila! Sila na talaga! Kung ikukumpara daw ay higit na mas mura ang bayad dito kumpara sa bus fares na umaabot sa P700 hanggang P900. Oo nga naman. Sa layo ng biyahe ay ayaw ko namang umupo sa bus sa loob ng sampung oras. Kahit may kotse pa ako, sa gas pa lang at pag-drive ay talo na ako. Ang airplane naman, mabilis nga ngunit sadyang ang may mga kaya lamang ang nakaka-afford.

Natuwa ako ng ipinakita sa telebisyon ang nasabing newly improved na Bicol Express. Ssosyal at para bagang mga train sa ibang bansa ang train natin ngayon. May aircon na, maganda ang facilities, may CR, at magaganda talaga ang mga seats at higaan na ginawa para sa mga pasehero nito.

Sa Tourist Section, ang upuan ay naiikot, pwedeng harapan. Ang lakas maka-Harry Potter papuntang Hogwarts. Ang Family Cabin naman, may room at grupo ng mga double-deck na kama sa loob na mukha naman comfortable. At ang executive section, ano pa ba? Mukha talagang pang mayaman. May malaking bed, animo’y di mo mamamalayan na nasa biyahe ka pala, matulog ka nalang.

Magkakaroon pa ng kaabang-abang na pagbabago sa Bicol Express gaya ng paglalagay ng TV screens, libreng pag gamit ng wi-fi network, at isang restaurant. That’s nice!
Ngayon, pag tinanong ako ng mama ko kung gusto kong sumama sa kanya papuntang Bicol, ang sagot ko siguro ay “depende.” Bakit? Kasi dapat libre niya! Pero mukhang napakagandang karanasan ang biyaheng papuntang Bicol lalo na ang pagsakay sa bagong Bicol Express.

Sana ay magkaroon pa ang ating bansa ng mga magagandang trasportasyon gaya nito. Biyahe na!

No comments:

Post a Comment