Monday, July 11, 2011

Ex President Gloria Macapagal-Arroyo, Timbog!


“Legally, she’s already politically comatose.” Yan ang mainit na pahayag ni Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares. Napakadaming kaso ng plunder at Graft charges ang hinaharap ngayon ni PGMA. Dagdag pa niya ay hindi na daw makakabangon pa si Arroyo sa dami ng kasong ipinupukol sa kanya.


Isang kaso dito ay diumano’y inamin ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte na alam ni Arroyo ang diversion of fund sa nasabing ahensya partikular na sa intelligence fund na umaabot ng P315 milyon.


Hindi na rin ganon kaimpluwensya si Arroyo, dahil kung ganon ay hindi siya ilalaglag ng mga dati niyang kaalyado sa gobyerno. Si Sen. Panfilo Lacson naman ay nagsabing hindi uubra ang sinabi ng abogado ni Arroyo na si Atty. Raul Lambino na hindi daw maaring kasuhan ng plunder case sa PCSO fund scam. Tiyak na hihimasin lang daw ni Arroyo ang malamig na rehas na bakal dahil ipapatalo lamang daw siya nito. Dagdag pa ni Lacson.


Lagot…


Tila kayhirap nang linisin ang pangalan nitong si Arroyo. Sa dami ng kasong hinaharap niya ngayon ay dapat hindi na siya ipinagtatanngol pa kagaya ng ginagawa nitong si Manoling Morato na tila “bestfriend” niya. Wala nang ginawa kundi magpa-interview at bumatikos ng ibang tao sa PCSO ngunit ang totoo ay sila pala ang mga gumawa ng kabulastugan sa loob nito. tsk! tsk!

No comments:

Post a Comment