Sunday, July 10, 2011

Philippines and pirated DVDs: Goodbye na!


I’am fond of collecting DVDs. At sa Pinas, uso ang pirated. Hindi dahil kuripot ang mga pinoy kundi maikukumparang mas mura ito kaysa sa mga orihinal na kopya. I admit, halos lahat ng mga DVD ko sa bahay ay puro japeyk. Pero malinaw ito at ang the best, nabili ko ang mga ito sa murang halaga. Ngunit hindi ko sinusulat ito dahil I’m supporting pirated things such as DVDs. Ngunit dahil nabasa ko na ‘goodbye’ na ang Pinas sa problemang ito.

Naturang magaling ang pamumuno ng The Optical Media Board o OMB sa ilalim ni Ronnie Ricketts. Biruin mong nakumbinse niya ang mga Muslim community sa Quiapo Maynila na i-surrender ang worth P10 million na mga pirated DVDs na ito. Ofcourse, meron pa din mga mabibili nito sa tabi-tabi ngunit ang mahalaga ay nasimulan na itong linisin at mabawasan kaysa noon na lantaran talaga ang pagbebenta nito sa mga kalsada ng kamaynilaan. Meron pa yung mga scene na sisigaw ang isang nagtitinda sa quiapo sabay takbo bitbit sa mga paninda niya. Kaloka…LOL!

Sa ngayon, ang Pinas ay wala nang mga di umano’y “watch list” o priority list. At isa itong magandang balita”. ayon kay Ricketts. Sabi pa niya ay alam niyang meron pa ding INTEL pero hindi na daw ito kasinglaki kagaya ng dati. ‘Ito ay magiging Domino effect‘, dagdag pa niya at they’re hoping na tuluyang mawawala na ito sa susunod na taon.

So paano na? siguro ay matitigil na ang pagkolekta ng mga avid fan ng mga movies kagaya ko. Well, meron naman mga original eh. Yun nga lang medyo may kamahalan ito. Pero ok lang. At least sumusunod tayo sa matuwid na landas. At isa pa, nandiyan naman ang mga sinehan na kinahiligan ko rin naman.

Siguro ay mas mabuti na nga ito kaysa naman tawagin tayo at ang Pilipinas na ‘Land of Pirated’… Na may kakayahan pa din ang ating bansa na ituwid ang iligal at masamang gawaing kagaya ng pag bebenta ng mga ipinagbabawal na fake DVDs.
Sana’y magtagal ito at tuluyan nang hindi suportahan ng mga Pinoy. Tingnan nalang natin kung epektibo nga ang bagong administrasyon ng OMB.

No comments:

Post a Comment