Thursday, July 14, 2011

Pagkakamali ni Juico, Nauwi sa Kaliwa't kananng Batikos



Halatang-halata ang panggagatong ni Manoling Morato sa isyu hinggil sa “Pajero Controversy.” Ano pa ba puwedeng itawag sa ’yo? Inggrato? Plastik? Demonyo? Lahat bagay sa taong ito. Ngayong nakahanap siya ng pagkakataong pumuslit ng mga bintang ay pinipilit naman niyang makisali sa hanay ng CBCP.

Ngayon pinapalayas naman sa puwesto si Margie Juico ni Pro-Life activist Baby Nebrida pagkatapos ilagay sa masama di-umano ni Juico ang simbahan.

“This has caused so much pain for the bishops and the Church. She should resign,” dagdag pa niya.

Matatandaang mahigpit ang word war sa pagitan nila Juico at Morato na nagsimula dahil sa paglipat ng PCSO from Quezon Institute to PICC. Labis na binatikos ang isyung ito na nag-ugnay sa iba pang mga malalalim na sikreto sa likod ng ahensyang ito. Simula nito, mistulang kaluluwang hindi matahimik na itong si Morato. Kaliwa’t-kanan ang pagpapainterbyu, dakdak dito, dakdak doon. Parang babae kung makipagbangayan.

Dagdag pa niya, kung siya daw si Pangulong Aquino ay patatalsikin niya agad ang buong board ng PCSO lalo na si Margie Juico. Asa ka namang magiging presidente ang isang kagaya mo. Asal pa lang, hindi na papasa sa pagiging lider na napakagaling magsalita, samantalang napakadami din namang nakahain na kaso sa kanya tulad ng plunder at kung anu-ano pang kaso ng pagnanakaw. Mukhang hindi naman uusad and kasong ito dahil matanda na itong si Morato at hindi na siya maikukulong pa.

Mainit ngayon ang isyu sa pagkakamali ni Margie Juico sa pagsabing ‘Pajero’ ang nabigay na sasakyan sa ilang obispo ng CBCP. Ngayong ilang beses naman ding inulit at binawi ni Juico ang kanyang kamalian.

“Somebody in PCSO told me it was a Pajero and that got spun around. I made a correction when I finally got the documents. It’s like when you say you bought a Frigidaire, when you mean a refrigerator. You say ‘Pajero’ when you mean SUV. I think that was how that impression came up,” ang pagtatanggol sa sarili ni Juico.

Kung makapagsalita ang CBCP ay para silang hindi mga miyembro ng simbahan. Samantalang katatapos lang ng ginawa nilang “public apology” ngayon ay humihirit sila ng kung anu-ano laban kay Juico dahil lang nakakita sila ng butas sa isyung ito. Dapat ang paghingi ng tawad ay taos sa puso, hindi yung ganyan. Isa na naman ba itong paraan ng paghuhugas-kamay?

Gaya ng sabi ni Juico, she already made a correction to herself. Ang totoong isyu dito ay ang ilegal na pag-donate at pagtanggap ng mga obispong ito sa mga sasakyang kagaya ng Montero, Crosswind at iba bang SUVs na alam naman ng lahat na nagkakahalaga ng malaking pera. Siguro ay inililipat lamang ng CBCP ang atensyon ng mga tao sa usaping ito upang mawala sandali ang masamang tingin sa kanila ng publiko.

Kung ako sa kanila, kung talagang hindi totoo ang ipinupukol sa kanila ay patunayan nila ito ng walang sinisirang tao. Patunayan nila ang “kadalisayan” nila kung wala talaga silang ginagawang kakaiba. Madami ang naniniwala sa Simbahang Katoliko, at hindi naman ikasasama ang pag-amin at pagsabi ng totoo.

Kay Morato naman, tumahimik ka na. Wala kang karapatan na diktahan ang ating presidente ng kanyang gagawin. Tumigil ka na. Matanda ka na at asikasuhin mo na lang ang sarili mo.

Para kay Ms. Margie Juico, ituloy niyo lang po kung ano sa tingin niyo ay tama. Kayo ang namumuno sa PCSO at gawin niyo po ang mga tamang hakbangin para sa ikabubuti ng ahensyang pinangangalagaan ninyo.

No comments:

Post a Comment